Mga Tagong Kagandahan Ng PInas!
Mga Tagong Kagandahan ng Pinas! Nakaimpaki ka na, may naka handa ng mga pagkain sa mahabang byahe, kargado na ang baterya ng camera, suot mo na ang pinaka usong damit, at sabik na sabik na lumarga ngunit wala ka pa ring desisyon sa pupuntahan mo? Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa mga tago ngunit kaibig-ibig na mga destinasyon. JOMALIG ISLAND Ang Jomalig ay ang tamang lugar para ikaw mamahinga. Maaari kang mag sight-seeing, camping, at mag island-hopping. How to get there? 1 st – Land Travel • Pumunta sa Legarda at hanapin ang Raymonds Bus Terminal sa harap ng Arellano University. Sumakay papuntang Infanta Quezon at bumaba sa Real Port Rizal. Wag kalimutan sabihin sa konduktor na sa Jomalig Island ka pupunta. P198 ang pamasahe pag sa aircon bus 2 nd – Boat Ride • mula Real Port sumakay sa Bangka hanggang Jomalig, ang pinaka maagang alis ng bangka ay tuwing 10 ng umaga. ...